Miyerkules, Marso 11, 2015

ANG ENTREPRENYUR

ENTREPRENYUR – ang salitang entreprenyur ay hango sa salitang French na entreprende na nangangahulugang “isagawa.”

                                    - ang isang entreprenyur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

ENTREPRENEURSHIP – tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.

                                            - dapat magtaglay ang isang naghahangad na magkaroon ng entrepreneurship ng motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills upang ang produkto ay maging mahusay at ang magandang ideya ay maisagawa.


MGA ORGANISASYON SA NEGOSYO

NEGOSYO – tumutukoy sa anumang gawain na pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
  • PARTNERSHIP – binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi ng isang negosyo.
  • SOLE PROPRIETORSHIP – negosyo na pagmamay- ari at pinamamahalaan lamang ng iisang tao.
  • CORPORATION – pinakamasalimuot na organisasyon ng isang negosyo. Ito ay may legal na katauhan.
          * incorporation - ito ay ang proseso ng pagiging isang korporasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento