Ang Tagaytay, ito ay isang mayamang lungsod na matatagpuan sa region IV-A. Isa ito sa may napakagandang view sa Taal Lake at gayundin sa Taal Volcano na dinarayo ng karamihan ng mga turista. Malamig ang klima ng Tagaytay tulad ng sa Baguio kaya mas maraming gustong pumunta dito.
June 21, ito ang araw na ipinagdiriwang ang araw ng Tagaytay. Ito ay aming ipinagdiriwang dahil ito ang araw na naitatag at naiproklama na maging lungsod ang Tagaytay. Ngayon ipinagdiwang ang ika-76 na taon ng pagkakatatag ng Tagaytay. Sa pangunguna ng aming mahal na Mayora na si Mayora Agnes Tolentino nagkaroon ng isang paligasahan na ginanap sa CCT o mas kilala bilang City College of Tagaytay, ito ay tagisan ng pagsayaw ng iba't-ibang barangay ng Tagaytay na lumahok sa iba't-ibang festival. Kasama rito ang iba't-ibang matataas na opisayal ng ibang lugar upang maging hurado sa paligsahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento